Ang Blog at ang Mga Uri Nito
Blog
•
galing sa dalawang salita web at blog.
Ang blog ay may dalawang depinisyon.
•
Blogger – tawag sa tao o grupong
nangangalaga, nagpapatakbo, at nagsimula ng isang blog.
•
Blogosphere – ang tawag sa komunidad
o mundo ng mga blogger.
•
Una, ito ay isang pangngalan
na tumutukoy sa isang website na may tema at naglalaman ng mga salita o teksto,
litrato, video, link, o kung ano man ang naisin
ng blogger.
•
Ikalawa, bilang isang pandiwa,
ang blog o pagbablog ay tumutukoy sa aksiyon ng
paggawa o pagsusulat ng isang post na siyang ilalagay at
magiging laman ng iyong blog (pangngalan).
Mga Uri ng Blog:
•
Fashion Blog – Ito ang pinakasikat na uri ng blog.
Ang mga blog na may ganitong tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano man
ang bago sa mundo ng fashion o pananamit.
•
Personal Blog – Halos walang tema
ang blog na ito – kahit ano
puwede. Ang mga blogger na gumagamit ng ganitong uri ng blog ay maaari
lamang nilang gustong magbahagi ng kanilang buhay.
•
News Blog – Nagbabahagi ng mga bagong balita sa mga mambabasa. Maari
na ring isama rito ang mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan,
isports, at teknolohiya.
•
Humor Blog – Naglalayon ang blog na ito na makapagpatawa o makapagpaaliw ng
mga mambabasa. Pinakasikat na marahil si Professional Heckler sa
mga humor blogger dito sa Pilipinas. Ngunit hindi lamang sila
nagpapatawa, gusto rin nilang maimulat tayo sa katotohanan gamit ang
kanilang alam na paraan.
•
Photo Blog – Naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographies.
Isa sa mga halimbawa nito ay ang tumblr. Hindi man katulad ng ibang mga
blog site, maganda pa rin ang Tumblr dahil bukod sa mga litrato ito rin ay
naglalaman ng mga mensahe.
•
Food Blog – Ang pangunahin at maaaring layunin ng blog na ito ay magbabahagi ng
mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap o kakaibang mga pagkain.
•
Vlog – Ito ay kilala din bilang video blog sapagkat naglalaman
ito ng mga video mula sa blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay,
eksperimento, o kung anumang personal na gawain.
•
Educational Blog – Nakakatulong ang mga ganitong blog upang maliwanagan
ang mga mag-aaral sa mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan.
Comments
Post a Comment