Facebook Bilang Social Media sa Pagkatuto

Facebook

Facebook Logo

Mark Zuckerberg
                   Facebook an pinakapopular na social networking site sa Pilipinas ngayon. Nakahihikayat ito ng napakaraming kabataan sapagkat una itong dinisenyo para sa kanila. Ang mga estudyante sa mga unibersidad ng Ivy League at Stanford ang mga unang naging mga miyembro nito. Ito ay itinatag ni Mark Zuckerburg at ng dalawa pa niyang kaibigan sa Harvard University noong 2004.

Facebook; Mga Benepisyo sa Estudyante't Guro

Neil Selwyn

               
Ayon kay, Selwyn (2009), natutugunan ng FB ang pangangailangan ng isang mag-aaral. Sa pamamagitan nito ay naipaaabot  ng mga guro't estudyante ang kanilang mga pangangailangang pang-akademiko at kung ano ang antas ng kanilang pagkatuto o kakulangang dapat pagtuunan ng pansin.




Alison Kosik

              
Batay sa pag-aaral ni Alison Kosik noong 2007, kalimitang ginagamit ng mga mag-aaral ang FB sa pakikipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral. Napapadali raw nito and pag-uusap ukol sa mga pangangailangan ng kanilang kurso, tulad ng mga instruksiyon o paalala na ibinigay ng guro hinggil sa isang partikular na takdang-aralin o proyekto.



Josh Duboff

              Base sa pagtatalakay ni Josh Duboff noong taong 2007 tungkol sa Facebook, nagkakaroon ng magandang ugnayan o palagayan ng loob ang mag-aaral at guro. Ayon sa kaniya, mas nararamdaman ng mga mag-aaral at guro na kabilang sila sa isang akademikong komunidad. Dahil rin daw dito, mas malaya nilang (mga guro't estudyante) naipapahayag ang kanilang damdamin at kaisipan hinggil sa paksang pinag-uusapan o isyunng pinatutuunan ng pansin ng kanilang paaralan.

Comments

  1. Tama ang iyong sinabi. Ang Facebook ngayon ay nagkakaroon na ng pakikipagunawaan sa isat isa mapa-guro o mapa-estudyante.

    ReplyDelete
  2. Maganda at maayos ang blog, ngunit mukhang may kulang pa sa impormasyon.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts